The ProblemFirst year High School ako nung unang sumibol ang sumpa sa mukha ko, hindi ko na nga alam kung mukha pa ba ang meron ako o isang grupo ng pigsa na naninirahan sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit nadami yung pimples ko kasi kahit anong gamitin kong skin care product, kahit gaano kamahal yung gamitin ko, wala pa ding effect sa mukha ko. That time feeling ko hopeless na yung mukha ko. Lahat naman ginawa ko! LAHAT! Pero wala pa din. Kulang na nga lang hindi ko gastusin yung baon ko makaipon lang ng pambili ng mga pangontra ng sumpa (Skin Care Products) Products I've Used (Which doesn't work, for me)Kojie San pampaputi ddaw yan! 50pesos dalawa! Akala ko magiging kamukha ko yung babaeng eyeliner sa box, pero ilang kahon ang naubos ko nagkasugat sugat pa ang mukha. This doesn't work for me, mas dumami ang outbreak sa mukha ko. Maxipeel. As you can see nakalagay jan, Anti-Acne. Smoothening. Lightening. Pero ugh! Skin Renewal pero grabe yung pagbabalat noya, para akong bumili ng sabon na mayy kasamang panghilod, and kahit gumamit ako ng moisturizer, ang hapri pa din ng balat ko. DOVE. Dito nagkasugat sugat ang mukha ko, akala ko lalambot, pero sobrang tapang niya, nangangati yung mukha ko, then after a week sobrang dumami yung sugat sa mukha ko. Likas Papaya & Silka. Pumuti ang mukha ko sa sabon na to, and naging smooth naman. Pero hindi naman nito nabawasan pimple ko Science on Skin so isa to sa pinakamahal, kulang na lang laklakin ko to para malaman kung effect talaga, pero wala naman tong naging epekto sakin e. What not to do (Don'ts)
The SolutionAfter so many products na nagamit ko, dalawang brandlang talaga ang nag-work sa mukha ko, as in super kuminis ako and nagdry agad yung pimples ko in 1 week. Facial Wash (Ponds Pink)So ito lang yung Facial Foam na naging effective sa sensitive skin, it also contains Vitamin B3 na very effective sa pagpapa nourish ng skin natin. murang mura lang yan, available siya sa sachet a 8Pesos lang sa mga sari sari stores. And for better results, I also use Ponds Day Cream, Pag natuyo yung cream para ka lang nakapulbo. Use this facial foam three time a day, umaga, hapon and bago matulog, and you can also wash your face kapag naglalangis na ang mga mukha niyo. You can see the results as fast as 1 week. RDL Baby face #2Isa pa din to sa mga pangontra sumpa ng pimples, available ang RDL Baby Face sa tatlong solution. #1 #2 and #3 pero mas gusto ko yung #2 kasi sya parang pinaka moderate ang solution, hindi sya ganon katapang, but still kapag nagpalit balat na kayo, recommended na wag kayo magbababad sa arawan kasi mahapdi sya, and use this twice a day. wag sosobra baka masunog na ang mukha niyo. konting konti lang ag paglalagay, wag halos ipanghilamos niyo na, apply niyo lang ng konti sa bulak and then rub niyo sa mukha niyo pataas.
So ito yung mga opinions ko about sa mga skin care products, uulitin ko hindi ako skin expert. If you have question, comment lang kayo below.
0 Comments
Leave a Reply. |
ArchivesCategories
All
ContactReach us on: |